Limampung kababaihan mula sa Munisipalidad ng Marantao, Lanao del Sur, sumailalim sa Training Induction Program

Ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center ay nagsagawa ng Training Induction Program o TIP para sa dalawang batches o 50 kababaihan mula sa Munisipalidad ng Marantao, na ginanap sa Barangay Hall ng Brgy. Bubong Madanding, Marantao, Lanao del Sur, nitong Pebrero 28, 2023.

Ang mga kababaihang ito ay sasailalim sa sampung araw na skills training patungkol sa Cake Making. Ito ay pinangunahan nina PCMDC Scholarship Focal Nashmer A. Bantuas, GAD Focal Raihanah S. Amerol, at Hamza A. Hadji Ali. Kasama din si Vella D. Bubong, isa sa mga Trainers ng PCMDC, na siyang magiging Trainer sa nasabing pagsasanay.

Isa ito sa mga programa at aktibidad ni MBHTE-TESD PCMDC Center Chief Insanoray Amerol-Macapaar para sa mga kababaihan o Gender and Development (GAD).

Ang skills training na ito ay COC lamang o Certificate of Completion, at pwede sila magpatuloy ng Bread and Pastry Production NC II kung sila ay papalaring makakuha ng scholarship.

#GanapSaPCMDC #GADActivity #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *