Lumagda ng MOA ang MBHTE-TESD PCMDC at Curly Frost
Naging matagumpay ang MOA (Memorandum of Agreement) Signing Ceremony sa pagitan nina MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar at ni Curly Frost Owner Farhana Rogong, sa mismong Curly Frost, February 14, 2023.
Isa sa mga nakapaloob sa MOA ay ang pahihintulutan ng Curly Frost ang mga trainees ng PCMDC na sila ay sumailalim sa SIL o Supervised Industry Learning na naaayon sa competencies na nakasaad sa Training Plan. Nakapaloob din dito na papayagan ng Curly Frost ang PCMDC na mag-conduct ng Competency Assessment para sa mga trainees.
Ang kolaborasyong ito ay isa sa mga layunin ni Chief Macapaar upang sa gayon ay lalo pang mapalakawak ang pagbibigay ng kalidad na skills training sa buong probinsya.