Mahigit 100 Trainees nagtapos ng Skills Training

Isinagawa ang Graduation Ceremony sa Brgy. Making, Parang, Maguindanao para sa 115 na Trainees na nagtapos ng OAP NC II, CSS NC II, Plumbing NC II, SMAW NC II, and Masonry NC II sa TVI ng Illana Bay Integrated Computer College, Inc.

Sinundan din nito ang Releasing of Training Support Fund allowance kung saan nakatanggap ang mga nagsipagtapos ng salapi matapos ang kanilang mga pagsasanay.

Ang mga nagsipagtapos ay kabilang sa programa ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nakatapos sapagkat hindi lamang sila nabigyan ng libreng edukasyon, kasanayan at allowance, baon din nila ang kanilang mga natutunan upang magkaron ng maunlad na kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony #ReleasingofTrainingSupportFundAllowance #BSPTVET#TTPB #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *