Mahigit 124 iskolars sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Pogram sa Sulu ang tumanggap ng kanilang Training Support Fund (TSF) at Starter Toolkits

Mahigit 124 iskolars sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Pogram sa Sulu ang tumanggap ng kanilang training support fund (TSF) at starter toolkits sa sabayang Releasing ng TSF and Toolkits na isinagawa ng MBHTE-TESD Sulu Provincial Office at Provincial Livelihood Training and Productivity Center (PLTPC) noong February 7, 2023 sa PLTPC, Tanjung, Indanan, Sulu.

Kabilang sa mga nakatanggap ng TSF ay ang forty-nine (49) scholars sa BSPTVET – Tulong Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro 2022 ang nakapagtapos ng Dressmaking NCII at Electrical Installation and Maintenance NC II bilang bahagi ng scholarship package. Seventy-five (75) scholars naman ang tumanggap ng starter toolkits sa ilalim BSPTVET-Kapakanan noong taong 2021 na nakapagtapos sa training ng Dressmaking NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II at Cookery NC II.

Dumalo din si Provincial Governor Hon. Abdusakur M. Tan. Ipinaabot niya sa mga graduates ang kanilang galak na makita silang nakapagtapos ng skills training at binigyang diin na ang skills ay isa sa yaman ng para sa pag-unlad. Nangako rin sya na magbibigay ng 10,000 pesos na tulong pinansyal para sa bawat graduate upang masimulan ang kanilang pangkabuhayan.

#nobangsamoroleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *