Masayang nagsipagtapos at tumanggap ng stater toolkits, training support fund at training certificate ang 50 iskolars ng Prepare Cold Meals
TINGNAN: Masayang nagsipagtapos at tumanggap ng stater toolkits, training support fund at training certificate ang 50 iskolars ng Prepare Cold Meals leading to Cookery NC II at Overhaul leading to Motorcycle/ Small Engine Servicing NC II sa ilalim ng Special Training for Employment Program o STEP nitong November 26 2022 sa Sulu Women Council, Sanraymundo, Jolo, Sulu.
Ang ibinahaging toolkits aty training support fund ay inaasahang maging daan para makapagsimula ng hanapbuhay ang mga graduates.
Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Director ng Provincial Livelihood training and Productivity center at ang Scholarship Focal ng MBHTE-TESD Sulu at kasalukuyang Administrator ng Provincial Training Center ng Sulu na si Gheffari Allama. Nakiisa din sa programa ang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Sulu ibang isang Panauhing Pangdangal at pinakita ang buong suporta niya sa programa.