Mass Graduation Ceremony para sa mga nagtapos ng BSPTVET-TTPB ginanap sa Turtle Islands, Tawi-Tawi

Nagdaos ng graduation ceremony para sa 140 trainees na nagtapos sa ilalim ng BSPTVET-TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET – Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro ang MBHTE TESD Tawi-Tawi nitong Desyembre 27, 2023 na ginanap sa Turtle Islands, Tawi-Tawi.

Ang nasabing mga trainees ay nakapagtapos sa Technical Vocational Institution sa Tawi-Tawi Polytechnic College sa kwalipikasyon ng Carpentry NC II, Bread and Pastry Production NC II, Electrical Installation And Maintenance, Housekeeping NC II, at dalawang batches ng Shielded Metal Arc Welding NC II Ang mga graduates ay nakatanggap ng kani-kanilang Sertipiko at Training Support Fund (allowances).

Ang nasabing programa ay dinaluhan ng Bangsamoro General Director Ruby A. Andong, Mayor ng Turtle Islands na si Hon. Mohammad Faizal H. Jamalul, Regional Planning Officer Faida H. Latip , mga iba’t-ibang Regional Office Staff, Technical Vocational Institution trainers at MBHTE-TESD Staff.

Bilang pagtatapos ng programa, nagpapasalamat ang mga trainees na sila’y nabigyan ng oportunidad nakapag-aral sa training program ng MBHTE-TESD BARMM.

Nagpapasalamat din ang Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin sa lahat ng sumopurta upang maihatid ang skills training program ng MBHTE-TESD sa lalawigan ng Turtle Islands.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *