Matagumpay na ginanap noong ika-14 ng Oktubre ang Awarding Ceremony ng Provincial Skills Competition para sa taong ito sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na ginanap sa FCI Gymnasium, Lamitan City, Basilan.
Pormal na ginantimpalaan ang mga nagsipagwagi sa Skills Competition na kung saan ang mga nanalo ay tumanggap ng medalya, certipikasyon at cash prize na nagkakahalagang 7,500 pesos para sa first prize, 5,000 pesos sa second prize at 2,500 pesos naman para sa third prize.
Tatlo hanggang limang mga kabataan edad 18-22 ang nagpaligsahan sa ibat ibang kakayanan kabilang na ang Cookery, Set up Computer Networks, Bread and Pastry Production, Welding, Electrical Installation, at Carpentry noong ika 11-13 ng Oktubre, 2021 na ginanap sa ibat ibang TESDA Registered insitusyon sa Lamitan at Maluso.
Samantala pinaabot naman ni Mayor Rose Furigay and kanyang pagbati sa mga nanalo at ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mg aktibidades at programa na may kinalaman sa skills training. Ang seremonya ay dinaluhan din ng representante ni Governor Jim Salliman at ng ibat ibang iskolar ng TESDA at ng BARMM Government mula sa ibat ibang institusyon sa Basilan.
Ang mga nanalo sa paligsahan ay sasabak naman sa Regional Skills Competition na gaganapin sa Cotabato City sa Nobyembre.
Source: https://www.facebook.com/MBHTETESDBARMM