Matagumpay na isinagawa ng MBHTE TESD ang 2021 Regional TVET Forum

Matagumpay na isinagawa ng MBHTE TESD ang 2021 Regional TVET Forum na may temang “Journey Towards Quality Assurance in BARMM TVET” nitong September 6,2021 na dinaluhan ng halos 203 participants mula sa ibat ibang Technical Vocational Institutions (TVI) ng mga probinsyang sakop ng BARMM.

Ang tema ng regional TVET forum ay naglalayong mapa-unlad ang pag-iimplementa ng technical-vocational education and training sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga standards na kinakailangang sundin upang makapag bigay ng kalidad na serbisyo at skills training sa mga nangangailangan at benepisyaryo nito.

Napag-usapan sa TVET forum ang STAR Program; isang systemang kumikilala sa accomplishments at pagpapabuti ng TVET programs ng mga TVI. Kinilala din ang mga nanalo at naging nominee sa ibat ibang TESDA Institutional Awards tulad ng Idols ng TESDA, Tagsanay Award, at Kabalikat Award.

Ngayong taon, dalawang Regional Winners mula sa BARMM ang nakasungkit ng paranggal sa 2021 Idols ng TESDA. Nakuha ni Jenny Rose P. Crame ang 2021 Idols ng TESDA award under wage-employed category habang si Esmael U. Sema naman ang nakakuha ng 2021 Idols ng TESDA award under self-employed category. Binigay ang kanilang paranggal noong nagdaang TESDA 27th Anniversary noong August 25.

Kabilang sa mga aktibidad na ginanap ay ang pagkakaroon ng mga breakout rooms kung saan malayang pumili ang mga kalahok sa ibat ibang lecture na maari nilang gamitin pandagdag kaalaman kung paano nila mapapabuti ang kanilang serbisyo. Ang mga lecture na ito ay ang T2MIS Calibration, Canva for Trainers, Industrial Revolution 4.0 in Education at ISO 9001 Awareness.

Ang Regional TVET forum ay ginaganap taon taon at nilalahukan ng mga TESD Training Institutions, TVIs, at MBHTE TESD Provincial Offices. Bilang pag sunod sa IATF protocols, isinagawa ang regional forum na ito gamit ang online video conferencing.

Source: https://www.facebook.com/MBHTETESDBARMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *