Matagumpay na nagtapos ang Management Committee Conference (MANCOM) 2024 ng MBHTE-TESD kasama lahat ng Provincial Offices at Training Centers nito
Giananap sa Alnor Convention Center, Cotabato City nito lamang February 12-16 2024, ang taunang Management Committee Conference ay naglalayon balikan ang mga nagawa ng taong 2023 at mag laan ng panibagong mga target para sa mga programang TESD para sa taong 2024.
Kasama rin sa programang ito sina Ustadzes John Areef Mascud, Ammier Dodo, at si Yul V. Olaya na nag bigay lecture patungkol sa Bangsamoro Struggle at Moral Governance.
Ang taunang programa ay pinangunahan ni Bangsamoro Director General Ruby A. Andong na naglalayon na mas mapabuti ang kinabukasan ng Bangsamoro at ng kinasasakupan nito.