Matagumpay na naidaos ang Training Induction Program sa ilalim ng BSPTVET – TTPB
Isinagawa ang TIP para sa dalawampu’t limang (25) scholars ng Carpentry NC II at dalawampu’t limang scholars din ng Tile Setting NC II na kabilang sa programa ng BSPTVET o Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET – Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro, ngayong araw, October 12, 2022.
Ang mga scholars ay mabibigyan ng oportunidad na magkaroon ng libre at kalidad na skills training, tatlong-araw na Values Transformation Training (VTT), libreng pagtatasa o assessment, at training support fund o allowance.
Pinangunahan ng Scholarship Focal ng MBHTE-TESD Lanao Del Sur Provincial Office at ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar ang nasabing programa. Pinaalalahanan ang mga trainees tungkol sa kooperasyon at dedikasyon na dapat nilang igugol sa pagsasanay.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kabilang sa nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre at kalidad na pagsasanay. Patuloy ang paghatid ng walang sawang serbisyo ang opisina ng PCMDC upang mas mapalawak pa ang sakop ng pagbibigay ng kalidad na kasanayan.