MBHTE TESD at MAFAR BARMM magtutulungan sa pag iimplementa ng Food Security Program

623 beneficiaries mula sa Special Geographic Areas (SGA) ng BARMM at iilan mula sa Maguindanao area ang nakatakdang magsanay sa ilalim ng Food Security Program katuwang ang MAFAR Maguindanao Provincial Office.

Ang Food Security Program ay naglalayong sugpuin ang kahirapan at kakulangan sa supply ng pagkain sa pamamagitan ng pagbibigay kalidad na kasanayan sa aspeto ng agrikultura.

Ang mga benepisyaryo ay magsasanay sa mga kursong Agricultural Crops Production NCII, Organic Agricultural Production NCII, Pest Management NCII, Animal Production NCII at Food Processing. Ang pagsasanay ay isasagawa sa SGA o Special Geographic Area at sa Maguindanao area.

Patuloy ang paghatid ng TESD Maguindanao upang mas mapalawak ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon at kasanayan sa lahat ng mamamayan.

#nobangsamoroleftbehind#TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *