MBHTE-TESD LDS Provincial Office patuloy ang serbisyo, kahapon ng ika-20 ng nobyembre ang ahensya ay nag sagawa ng Training Induction Program sa Malabang District Jail LDS.

Ang mga magsasanay ay kabilang sa mga inmates, sa kwalipikasyong Bread and Pastry Production NC II (25 na mga iskolar) at Tile Setting NC II (25 na iskolar) sa ilalim ng BSTPTVET-Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro o TTPB 2022.

Ang programa ay pinangunahan ni Hamdanisah S. Comacasar,l at Juhainah M. Macabinta mula sa nasabing ahensya kasama ang Technical Vocational Institution na RLM Multi-Skills Training and Assessment Center.

Sa kaparehong araw din ay isinagawa ng ahensya ang scholarship monitoring sa kwalipikasyong Electrical Installation and Maintence sa kaparehong lugar kung saan ang mga iskolar ay kabilang din sa kasalukuyang inmates.

#TESDAScholars #mbhtetesdldspo #nobangsamoroleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *