MBHTE-TESD nagbigay suporta sa Food Security Program ng MAFAR

Isa sa mga hakbang upang mapalawak ang sakop ng pagbibigay ng kalidad na kasanayan sa mga mamamayan ay pakikipag-ugnayan sa iba pang mga opisina na makakatulong sa pagpapalaganap ng layunin.

Sa isasagawang Food Security Program ng MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ay magbibigay ng kalidad na edukasyon at kasanayan ang MBHTE TESD patungkol sa Agri-fishery para sa mga nangangailangang mamamayan upang masugpo ang problema ng kakulangan sa pagkain, malnutrisyon at kahirapan.

Nagpulong ang mga pinuno at miyembro ng dalawang opisina sa BGC, Cotabato City upang talakayin ang implementasyon nito. Humigit-kumulang 2,000 benepisyaryo ang mabibigyan ng pagkakataong makapagsanay upang magkaroon ng mas maunlad na kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #FoodSecurityProgram #MAFAR&MBHTETESD #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *