MBHTE TESD TAWI-TAWI CELEBRATES 5th BANGSAMORO FOUNDATION DAY
Maligayang sinimulan ng ahensya ang unang araw ng selebrasyon ng 5th Bangsamoro Foundation Day na may Temang: ” A Journey Towards Mutual Understanding, Peaceful Co-existence, and a Shared Future in the Bangsamoro” na ginanap sa MBHTE Gymnasium noong January 22, 2024.
Nagkaroon ng motorcade ang iba’t-ibang national at regional line agencies sa probinsya. Ang MBHTE-TESD TAWI-TAWI ay nagsagawa ng Releasing of Training Support Fund to Scholars under UAQTEA program, At Releasing of Training Support Fund sa Driving NC II gayundin sa Trainers Methodology Level I.
Nagkaroon din sila ng Signing of Memorandum of Agreement sa pagitan ng MBHTE-TESD at Tawi-Tawi Aliance of Person with Disabilities (TTAPD) gayundin sa Tawi-Tawi Provincial Jail at MBHTE-TESD.
Kasama sa MOA Signing ang MBHTE-TESD Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin, TTAPDA President Prof. Saturnino C. Abdal, Jr. at CAPT. Satta A. Ladja.
Ang layunin ng kasunduang ito ay upang magkaroon ng pagkakaisa, pag-unlad at pagsuporta sa bawat isa.
Naging masaya at matagumpay ang unang araw ng selebrasyon ng 5th Bangsamoro Foundation Day.