MID-YEAR PERFORMANCE ASSESSMENT ay isinagawa sa 2nd Marine Brigade Sanga-Sanga, Tawi-Tawi.

Ang Theme ng Mid-year performance assessment na ito ay “One Team, One Dream, Accept the Challenge!” na kung saan nagpapakita ng pagkakaisa ng bawat staff sa isang operating unit.

Nagkaroon ng limang parlor games ang nasabing programa at masayang sinamahan ng mga manlalahok ng Provincial Office Staff.

Ayon sa Senior Tesd Specialist na si Ma’am Mumtadz G. Yusop, “masaya akong makita ang lahat na masaya kahit tayo ay masyadong abala sa ating mga trabaho ay mayroon din tayong oras upang mag unwind at mag distress, Alhamdulillah!”

Naging matagumpay naman ang Mid-Year Performance Assessment 2023.

Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng MBHTE-TESD Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin, MBHTE-TESD PO Tawi-Tawi Staff at katuwang ang Provincial Training Center Administrator at Staff.

Bilang pagtatapos ng programa, nag bigay ng mensahe ang Provincial Director na si, Dr. Maryam S. Nuruddin kanyang sinabe “Alhamdulillah maraming maraming salamat sainyong lahat at binigyan ninyo ng panahon ang ating Mid-Year Performance Assessment, at masaya kayong dumalo sa ating programa, nagkaroon din tayo ng parlor games na kung saan makikita kung sino tayo bilang isang tao at kung paano tayo mag trabaho.”

Iginawad din sa mga manlalahok ang kanilang mga sertipiko at cash prize.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *