MoA Signing Ceremony ng RMDC at NIA-MIMO.
Memorandum of Agreement Signing Ceremony naisagawa sa pagitan ng Regional Manpower Development Center at National Irrigation Administration-Maguindanao Irrigation Management Office (NIA-MIMO) para sa kursong Basic Computer Literacy, na naganap sa TESD BARMM, Brgy. Rebuken Sultan Kudarat, Maguindanao, noong Nobyembre 23, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Ms. Nur Ayn U. Guinomla, Senior TESD Specialist at kasalukuyang Officer-In-Charge Administrator ng RMDC, at sina Engr. Norhamin G. Mantikayan, Engineering & Operations Head, at Engr. Khomeini G. Oyod, Division Manager A ng NIA-MIMO.
Layunin ng NIA-MIMO na tugunan ang competency Gap ng mga empleyado nila sa pamamagitan ng MBHTE-TESD RMDC, ang programang Basic Computer Literacy Training/Workshop ang kanilang napili na ang magiging Trainer ay si Shiela Mejos. Upang bigyang kakayahan ang mga empleyado ng ganoong kasanayan, alinsunod sa isa sa mga pangunahing halaga ng ahensya: Propesyonalismo.
Patuloy ang Regional Manpower Development Center sa kanilang serbisyo para sa Bangsamoro.