MOA Signing ng TESD-CCDO at CSU Matagumpay na Inilunsad

Matagumpay na inilunsad ang MOA Signing sa pagitan ng CCDO at Cotabato State University noong August 5, 2022, biyernes sa mismong Audio Visual Room ng unibersidad. Pinangunahan ito ni Kalimpo M. Alim, CCDO OIC Head. Dinaluhan din ito ni Prof. Sema G. Dilna, CSU President na siyang nagbigay ng kanyang inspirational message sa isingawang Memorandum Of Agreement.

Pinagkalooban ng 25 slots ang CSU para sa mga estudyanteng magsasanay ng NC-II training. Titiyakin ng Cotabato City District Office na gagawin nito ang anumang kinakailangan upang makapagbigay ng matagumpay na pagpapatupad ng Memorandum of Agreement na ito.

Patuloy na gagawin ng CCDO ang kanilang tungkulin upang makapagbigay ng serbisyong makakatulong para sa pag-unlad ng mamamayang Bangsamoro.

#MOASIGNING #GanapSaCCDO #NoBangsamoroChildrenLeftBehind #TESDABOTLAHAT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *