Nagkaroon ng monthly staff meeting ang MBHTE-TESD PO, TAWI-TAWI nitong April 17, 2023 sa mismong office.

Ang adyenda ng nasabing pagpupulong ay tungkol sa preparasyon para sa aktibidad na gagawin ng MBHTE-TESD TAWI-TAWI, ito ay “Grand Iftar to the 120 Orphans and their Mothers” at na Gaganapin ang programang ito sa MBHTE-TESD GYMNASIUM, Bongao, Tawi-Tawi.

Dagdag sa kanilang adyenda ang dadarating na General Calibration on Quality Management System na gaganapin dito sa Tawi-Tawi kung saan ang lahat ng sakop ng BARMM TESD ay dadalo sa darating na April 24-27, 2023.

Pinangungunahan naman ng Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin ang nasabing pagpupulong at ipinalaganap sa mga kawani nito ang mga mahahalagang bagay ukol sa programang hinahangad nilang ipatupad sa April 18, 2023 sa tulong ng iba’t-ibang administrasyon.

#MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *