Nalalapit na STEP Training para sa mga Decommissioned Comabatants sa Lanao del Sur, pinaghahandaan na.
Isinagawa ang pagpupulong sa pagitan nina MBHTE-TESD Lanao Del Sur Provincial Director Aleida Nameerah Mangata, MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar, MP Jannati Mimbantas, at mga Decommissioned Combatant Focals para sa nalalapit na training ng mga Decommissioned Combatants sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program.
Ang slot allocation ay mula sa NQM o National Qualification Map mula sa TESDA National. Maliban sa skills training, makakatanggap din ang mga Decommissioned Combatants ng Training Support Fund, Starter Toolkits, at tatlong araw na EDT o Entrepreneurial Development Training.
Binigyang linaw din ni PD Mangata at Center Chief Macapaar ang mga naging pagbabago sa qualification na ibinigay ng Central Office. Nagkaroon din ng open-forum matapos ang pagpupulong upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Front Focals na masagot ang kanilang mga katanungan at marinig ang kanilang opinyon.
Patuloy na nagtutulungan ang opisina ng MBHTE-TESD Lanao Del Sur Provincial Office at MBHTE-TESD PCMDC upang lalong mapabuti ang kalidad na serbisyong ibibigay para sa mga Decommissioned Combatants.