Ocular Inspection at Monitoring isinagawa ng MBHTE TESD Maguindanao

Upang masigurong kalidad ang mga pasilidad at kagamitan sa bawat TVI o Technical Vocational Institute ay isinagawa ang Ocular Inspection sa Parang, Maguindanao.

Pinangunahan ng opisina ang isinagawang aktibidad sa TVI ng Illana Bay Integrated Computer College kung saan isinuri ang mga kagamitan sa pagsasanay ng Driving NC II, EPAS NC II at SMAW NC II.

Kasabay nito ay isinagawa din ang Monitoring ng pagsasanay ng mga Decommissioned Combatants sa EIM NC II sa parehong TVI. Ito ay isa sa mga hakbang na ginagawa upang masigurong kalidad ang ibinabahaging edukasyon at kasanayan sa mga benepisyaryo.

Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapalawak pa ang paghatid ng libre at kalidad na kasanayan.

#mbhtemaguindanao #OcularInspection #MonitoringAndSupervision #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *