Ongoing training sa Parang District Jail BARMM isinagawa ng Regional Manpower Development Center

Ang PARANG DISTRICT JAIL-BJMP BARMM ay humiling sa MBHTE-TESD Regional Manpower Development Center na mag sagawa ng training/lecture para sa kanilang dalawamput tatlong (23) Persons Deprived of Liberty. Ang kanilang kursong na napili ay Plumbing NC II kung saan ang trainer ay si Mama P. Hadjiomal.

Tinitiyak naman ng Parang District Jail-BJMP BARMM ang kaligtasan ng tagapagsanay habang sila ay nasa pasilidad ng kulungan.

Ginagawa ng RMDC ang kanilang makakaya upang matugunan ang pangangailangan ng ating mamamayang Bangsamoro.

#nobangsamoroleftbehind #RMDC #parangjail

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *