Pamamahagi ng Starter Toolkits sa Bayan ng Patikul Sulu
140 na mamayan ng Patikul ang tumanggap ng kanilang Starter toolkits na handog ng MBHTE-TESD mula sa programang Bangsamoro Scholarship Program sa Ilalim ng KAPAKANAN noong taong 2021.
Ang mga tumanggap ng toolkits ay mula sa pitong Barangay na kabilang sa mga Internally Displaced Persons ng Balik Barangay Program ng Probinsya. Sila ay nagtapos sa training na Plants Crops Production leading to Agricultural Crops Production NC II.
Ginanap ang programa sa Municipal ng Patikul na dinaluhan nina Bangsamoro Director General ng MBHTE-TESD Ruby Andong at mga Provincial Directors at Administrators ng ibat ibang Operating Units ng MBHTE-TESD sa Rehiyon ng BARMM. Ito ay ginanap noong ika 12 ng Enero 2023, sa Taglibi, Patikul, Sulu.