Post Implementation Review on BSPTVET 2022

Matagumpay na isinagawa ang Post Implementation Review on BSPTVET 2022 sa Cotabato City na pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office.

Bago magtapos ang taon ay kinalap ang mga napagdaanang pagsubok ng mga TVIs o Technical Vocational Institutes na nagmula sa Maguindanao Del Sur at Maguindanao Del Norte.

Ang paksa ay patungkol sa implementasyon ng Skills Training under Bangsamoro Scholarship Program for TVET o BSPTVET sa taong 2022 upang mas mapabuti at mas mapaghandaan pa ang susunod na implementasyon ng nasabing programa sa taong 2023.

Nagpahayag naman ng mga saloobin at solusyon ang bawat miyembro ng TVIs upang mas mapaganda pa ang pagbibigay ng libre at kalidad na kasanayan sa lahat ng mamamayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *