Post Mid-Year Performance Assessment isinagawa sa Provincial Training Center-Basilan
Ang Provincial Training Center-Basilan ay nagsagawa ng Post Mid-Year Performance Assessment Management Committee meeting noong Agosto 2, 2023 na ginanap sa PTC-Basilan, Geras Road, Sumagdang, Isabela City, Basilan.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Chief Administrator Allan J. Pisingan at dinaluhan ng mga miyembro ng management committee ng center, kabilang ang mga focal ng iba’t ibang departamento at seksyon. Nagsimula ang pagpupulong sa pagtukoy sa mga hamon o challenges sa paghahatid ng Office Performance Commitment (OPC). Maingat na isinuri ng management committee ang mga kinakaharap ng PTC-Basilan sa unang kalahati ng taon. Pagkatapos ay tinalakay ng committee ang mga kinakailangang hakbang at interbensyon na kailangang gawin upang matugunan ang mga hamong ito.
Gayunpaman, ang komite ay nagpahayag ng pagtitiwala sa kakayahan ng buong PTC-Basilan workforce na malampasan ang mga natalakay na hamon. Ang post Mid-Year Performance Assessment Management Committee Meeting ay hindi lamang isang regular na kaganapan kundi isang testamento sa committment ng PTC-Basilan Center na makamit ang kanilang target objectives o layunin para sa nalalapit na Year-End Performance Assessment (YEPA).