Pre-inspection para sa kwalipikasyong TM Level I ng PCMDC, isinagawa

Dumayo ang mga kinatawan ng MBHTE-TESD LDS Provincial Office sa MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, upang isagawa ang pre-inspection, noong March 24, 2023, sa PCMDC Extension, MSU-CHTM, Marawi City.

Sinuri ang mga kagamitan at pasilidad ng kwalipikasyong Trainers Methodology (TM) Level I. Sa pamamagitan nito ay makikita at masusukat ang kahandaan ng PCMDC sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga Trainees, at kung ito ba ay naaayon sa training regulations.

Ang isinagawang inspection ay Pre-inspection lamang, at ito ay paghahanda para sa papalapit na Audit sa March 30, 2023.

#GanapSaPCMDC #Inspection #OneMBHTE #nobangsamorolearnerleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *