Re-Inspection para sa nalalapit ng pagsisimula ng Technical Skills Training matagumpay na isinagawa ng Cotabato City District Office
Matamgumpay na isinagawa ng CCDO team ang Re-Inspection sa mga TVI (Technical Vocational Institutions) nito sa tulong at gabay ng Maguindanao Provincial Office. Ginawa ang inspeksyon sa loob ng dalawang araw simula noong nakaraang August 31-September 1, 2022.
Ito ay ang mga paaralan ng:
Southern Kutawato Empire, Inc.
A4 College of Peace and Wisdom, Inc.
St. Benedict College, Inc.
LEE&RRJ Institute, Inc.
VC2 Jobs Review, Training and Assessment Center
AGB Techsquad, Inc.Academia De Tecnologia in Mindanao, Inc.
Dr. P. Ocampo, Inc.
Notre Dame of RVM College, Inc.
Ang inspeksyon na ito ay ginagawa upang suriin ang kahandaan ng mga technical schools sa nalalapit na pagsisimula ng pagsasanay ng mga trainees sa iba’t-ibang kwalipikasyon. Ito rin ay upang tiyakin na kumpleto, sapat at tama ang mga kagamitang gagamitin nga mga estudyante sa pagsisimula ng kanilang pagsasanay.
Naniniwala ang CCDO na ang mga gawaing ito ay isang hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng mamamayang Bangsamoro.
#initiative+innovation #UntiUntingPagUnlad #BSPTVET #TTPB #TESDabotLahat #NoBangsamoroLeftBehind #MBHTETESD #CotabatoCityDistrictOffice