Regional Caravan for the Calibration of Accredited Competency Assessors, AC Managers and TESD Representatives

Upang mas mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo patungkol sa Assessment ay isinagawa ang Calibration para sa mga Assessors, AC Managers at TESD Representatives ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office. Ginanap ang nasabing pagtitipon sa Cotabato City mula February 9-10, 2023.

Dumalo ang mga nasabing kalahok sa programa kung saan naging tagapagsalita ang Regional CAC Focal na si Hadiguia K. Nanding at ang CCMDC Administrator na si Alsultan B. Palanggalan.

Binigyang solusyon din ang mga suliranin upang mas mapabilis at mas mapabuti pa ang kalidad ng pag-aassess sa mga kasanayang natutunan ng mga Trainees sa pagsasanay ng iba’t ibang kurso.

#CACCalibration #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *