REGIONAL LANGUAGE SKILLS INSTITUTE MATAGUMPAY NAGSAGAWA NG CAPABILITY BUILDING SA BASIC COMPUTER LITERACY PARA SA NON-TEACHING PERSONNEL
Noong ika-9-10 ng Mayo taong 2024, nagsagawa ang Regional Language Skills Institute (RLSI-ZCLO) ng dalawang araw na pagsasanay sa Basic Computer Literacy para sa mga non-teaching personnel.
Layunin nitong bigyan sila ng sapat na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng kompyuter, mga software application, at pag-navigate sa internet.
Sa pamamagitan nito, magiging mas madali para sa kanila ang pag-access ng impormasyon at pagpapabuti ng kanilang digital na kakayahan. Pinangunahan ito ni OIC-Center Administrator Abdulhakim T. Sauti Jr.
#RLSI ZCLO