School Supplies para sa 900 Pupils na biktima ng bagyong Paeng
Matagumpay na naipamahagi sa 900 na mag aaral ng Kusiong Elementary School ang mga school supplies na handog ng MBHTE-TESD CCDO at TVIs kahapon, November 17, 2022. Isa-isang nakatanggap ng dalawang notebook, lapis/ballpen, krayola at pantasa ang mga bata.
Maaalalang lubos na nabiktima ang mga ito ng pagsalanta ng Bagyong Paeng. Nawalan ng tahanan, mga alagang hayop, hanap-buhay, at maging ang mga paaralan sa lugar ng Kusiong, Datu Odin Sinsuat ay labis na napinsala. Kung kaya’t nagkaroon ng inisyatiba at pagpapalano ang opisina ng Cotabato City District Office katuwang ang Technical Vocational Institutes nito na sa pangunguna ni Engr. Kalimpo Alim, CCDO Head na bukod sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao dito tulad ng pagkain at tubig ay kailangan rin ng mga bata ang mga pangunahing gamit sa paaralan tulad ng notebook, lapis/ballpen sa muling pagbubukas ng klase.
Naniniwala at umaasa ang Cotabato City District Office & TVIs na magiging kasangkapan ang kakaunting tulong na ito upang makapagbalik aral na ang mga estudyante sa kanilang paaralan.