Skills for Balik Barangay Program sinimulan na sa mga Barangay ng Patikul Sulu

Ang mga benepisyaryo ay mga pamilyang lumisan noon sa kani-kanilang mga barangay matapos ang ilang taong pamamalagi sa evacuation center.

Sinimulan na ang skills training para sa mga trainees na kumuha ng kursong Plant Crops Production, Electrical Installation and Maintenance NCII, Driving NCII, Plumbing NC II at Dressmaking NC II.

Layunin ng programa na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay kasanayang maaring makatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ang training ay pinangunahan ng Provincial Training Center ng Sulu at iba pang mga training center ng probinsya. Maliban sa skills training, kalakip din ng programa ang Values Transformation Training mula sa Bangsamoro Development Agency at Basic Entrepreneurship training mula naman sa The Moropreneur Inc.

#nobangsamoroleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *