Skills Training ng mga guro mula sa Munisipalidad ng Butig, nagsimula na
Mga guro mula sa Butig, Lanao del Sur ang kasalukuyang sumasailalim sa skills training partikular sa Dressmaking NC II at Bread and Pastry NC II.
Ito ay kolaborasyon sa pagitan nina MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray A. Macapaar, MPA at MBHTE-Basic Education Lanao Del Sur II EPS Waisah S. Arsad, CESE, na tinawag na Project Ladyawan for BIBO o Basta IButig’n na Bright ago Ontol. Ang BIBO ay organisasyon ng mga guro sa Munisipalidad ng Butig.
Layunin ng kolaborasyon na ito na mabigyan ng skills training ang mga guro upang sila ay magkaroon ng dagdag kaalaman sa mga nasabing kwalipikasyon at upang sila ay magkaroon din ng dagdag kita. Ang kolaborasyong ding ito ang unang hakbang ni Chief Macapaar upang makipagkolaborasyon sa apat na sub-sectors ng MBHTE.
Ang mga guro ay nagsasanay tuwing weekend, sa pamamahala ni Ryan Pukunum para sa BPP NC II at Soraya Buleg naman para sa Dressmaking NC II, pawang mga Trainers ng PCMDC.
Patuloy na ginagawa ng opisina ng PCMDC ang kanilang makakaya upang sila ay makapaghatid ng serbisyo para sa lahat ng mamamayan ng BARMM.
#GanapSaPCMDC #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBansgsamoroLearnerLeftBehind