Special Skills Training inihandog para sa mga biktima ng Bagyong Paeng
Bilang karagdagang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Paeng ay naghandog ng Special Skills Training ang MBHTE o Ministry of Basic, Higher, and Technical Education. Isinagawa ang kanilang Training Induction Program sa Brgy. Kusiong, D.O.S., Maguindanao.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang apat na TVI o Technical Vocational Institutes na magsasanay sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.
Ilan sa mga TVIs ay ang sumusunod:
1.) Ittihadun Nisa Foundation – Cookery NC II (25 slots) 35days of training
2.) Farasan Institute of Technology, Inc. – Dressmaking NC II (25 slots) 35 days of training & Masonry NC II (22 slots) 22 days of training
3.) Illana Bay Integrated Computer College, Inc. – Carpentry NC II (22 slots) 38 days of training
4.) Foureych Technical Vocational and Learning Center, Inc. – Electrical Installation and Maintenance NC II (22 slots) 26 days of training
Ilan sa mga benepisyong makukuha nila ay libreng skills training, libreng competency assessment, Training Support Fund allowance of 180pesos per training day, at Values Transformation Training
Dumalo ang mga pinuno na nagpahayag ng suporta sa nasabing programa, sila ay sina Deputy Minister Atty. Haron Meling,Bangsamoro Director General Ruby A. Andong, Provincial Director Salehk B. Mangelen, Brgy. Captain Jafeer Sheen Sinsuat, at School Principal ng Kusiong Elementary School na si Jamillah Andong.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre at magkaroon ng kalidad na kasanayan.