Special Training for Employment Program (STEP) 2019 Scholars sa Lanao del Sur, tumanggap ng Starter Toolkits mula sa MBHTE-Technical Education and Skills Development.
Noong Oktubre 6, 2021, sixty nine (69) STEP 2019 Graduates mula sa iba’t ibang barangay ng Lanao del Sur ang tumanggap ng kanilang mga toolkits mula sa MBHTE-TESD na bahagi ng kanilang scholarship package. Ang mga benepisyaryo ay nakapagtapos ng Masonry NC II, Carpentry NC II, at Electrical Installation Maintenance NC II, at Agri Crops NC II.
Ang pamamahagi ng starterkits ay pinamunuan ng Provincial Director Aleida Nameerah P. Mangata, Congresswoman Atty. Naealla Aguinaldo, mga partners mula sa TVIs, at iba pang mga staff ng Lanao del Sur Provincial Office.
Ang STEP ay isang programang nakabase sa espesyal na pagsasanay na tugma sa partikular na mga pangangailangan ng komunidad upang itaguyod ang trabaho, lalo na sa pamamagitan ng pagnenegosyo, self-employment at service-oriented activities. Ang mga Training programs ay short-term o module based at sinusunod ang mga guidelines na nasa Training Regulations na gawa ng TESDA.
Ang STEP Scholarship slots at starter toolkits ay ibinigay ng national government sa tulong at coordinasyon ni Congresswoman Atty. Aguinaldo ng Bahay Partylist.