Stakeholder’s Meeting isinagawa ng MBHTE TESD Maguindanao
Para sa pagpapatuloy ng implementasyon ng EO-79 o Normalization Program ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga pinuno mula sa iba’t ibang base command ng MILF katuwang ang mga miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity at iba’t ibang mga pinuno ng mga TVI o Technical Vocational Institutes. Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing pagpupulong noong Ika-17 araw ng Agosto,2022 sa Cotabato City.
Tinalakay ang iba’t ibang paraan upang paghandaan ang nalalapit na implementasyon ng 2,220 na Decommissioned Combatants sa ilalim ng EO-79 na kabilang sa Special Training for Employment Program kung saan magkakaroon sila ng libreng pagsasanay, libreng assessment, training support fund allowance at starter tool kits.
Nagpahayag naman ng kooperasyon ang lahat ng mga kabilang sa isasagawang programa. Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang makapaghatid ng libre at kalidad na kasanayan sa lahat ng mamamayan.
#mbhtemaguindanao #StakeholdersMeeting #NormalizationProgram #STEP #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat