Stakeholder’s Meeting matagumpay na isinagawa para sa STEP

Sa pagsisimula ng panibagong mga Decommissioned Combatants na magsasanay ng iba’t ibang kwalipikasyon sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program ay isinagawa ang pagpupulong sa Cotabato City na dinaluhan ng mga pinuno mula sa iba’t ibang Base Command, mga miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity kabilang ang mga Technical Vocational Institutes.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office at naglalayong talakayin ang natitirang mga Decommissioned Combatants na dapat pang sumailalim sa kalidad na pagsasanay na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng bawat ahensyang dumalo sa nasabing talakayan at nagpakita ng kooperasyon upang mas mapabuti pa ang implementasyon ng programa.

#mbhtemaguindanao #StakeholdersMeeting #STEP #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *