TIP isinagawa para sa Food Security Program
Sa pagtutulungan ng MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform at MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ay isinagawa ng Training Induction Program para sa mga benepisyaryo ng Food Security Program sa Brgy. Kitulaan, Carmen, North Cotabato.
20 Trainees ang magsasanay ng Agricultural Crops Production NC II sa Pagalungan Training & Assessment Center, Inc. Sila ay ang mga napiling benepisyaryo ng MAFAR upang magkaroon ng kalidad na kasanayan at kaalaman patungkol sa pagtatanim na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
#mbhtemaguindanao #FoodSecurityProgram #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat