TIP isinagawa sa Albarka Municipality at Lamitan City, Basilan

Training Induction Program isinagawa sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Barangay Cambug Proper, Albarka Municipality at Barangay Limook, Lamitan City, Basilan Province sa ilalim ng 2022 BSPTVET Food Security Convergence Program.

Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang Concerned Alliance of Professionals and Students Inc. (CAPSI) at HHH Technical and Driving Institute, Inc. ay magsasagawa ng pagsasanay sa limampung (50) trainees sa kwalipikasyong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II at Driving NC II.

Naging matagumpay ang nasabing TIP sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan nina Provincial Skills Competition and Awards Focal Sir Tuting I. Adjilil, Linkages and Partnership Focal Sir Enteng A. Ahmad nito lamang Enero 10, 2023.

Bilang suporta ng MAFAR sa Food Security Convergence Program ng MBHTE-TESD kasama rin sa dumalo ang kanilang Provincial Director na si Hanie Muadz A. Junuban katuwang si MP Hji. Dann S. Asnawie bilang guest speaker.

Kasama rin sa mga dumalo ang MAFAR Municipal Organizer ng Albarka na si Ms. Madzna A. Dompol at TESD Coordinator ng HHH Technical and Driving Institute, Inc. na si Ms. Daisy Claire Antonio.

#TESDBasilan #NoBangsamoroLeftBehind #MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *