TIP isinagawa sa Tipo-Tipo Proper, Tipo-Tipo, Basilan
Training Induction Program isinagawa sa Gymnasium ng Tipo-Tipo Proper, Tipo-Tipo Municapality, Basilan Province sa ilalim ng 2022 BSPTVET Food Security Convergence Program nito lamang Enero 17, 2023.
Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. (HFCFI) ay magsasagawa ng pagsasanay sa dalawumpuโt limang (25) trainees sa kwalipikasyong Cookery NC II sa loob ng apatnapung (40) araw. Ang kanilang magiging trainer ay si Mr. Abdulgani Benson na siyang bihasa sa larangan ng pagluluto.
Naging matagumpay ang nasabing TIP sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Document and Records Controller Ms. Jahra A. Asnawi kasama ang Information Officer IV ng LGU Tipo-Tipo, MAFAR Municipal Organizer ng Tipo-Tipo na si Ms. Warha I. Junuban, TESD Coordinator ng HFCFI na si Mr. Jaymar I. Sajiron at Ms. Daisy Claire Antonio.