TIP matagumpay na isinagawa para sa Food Security Program

Sa pagtutulungan ng MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform at MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office ay isinagawa ang Training Induction Program para sa mga magsasanay sa ilalim ng Food Security Program.

Noong October 14,2022 ay tinalakay ang mga tungkulin ng mga magsasanay ng ACP NC II sa TVI ng Kadayangan Academy, Inc. sa Brgy. Damatulan, Midsayap, SGA kasabay nito ay isinagawa din ang TIP ng mga magsasanay ng Pest Management NC II sa Brgy. Kapimpilan, Midsayap, SGA sa TVI ng Upi Agricultural School.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at kooperasyon ang mga nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng libre at kalidad na kasanayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *