TIP matagumpay na isinagawa sa ilalim ng Food Security Program

Upang masimulan na ang pagsasanay ng 20 Trainees patungkol sa ACP NC II sa ilalim ng Food Security Program ay isinagawa ang Training Induction Program sa Brgy. Lamin, Barira, Maguindanao noong November 8, 2022.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform kung saan ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang mga responsibilidad at benepisyong kanilang matatanggap sa pagsasanay.

Ang magsasanay sa mga napiling benepisyaryo ay ang TVI ng Farasan Institute of Technology, Inc. kung saan magkakaroon sila ng kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pagtatrabaho o pagnenegosyo.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *