TIP matagumpay na isinagawa sa ilalim ng Food Security Program
Isinagawa ang Training Induction Program para sa 20 Trainees na magsasanay ng ACP NC II at 20 Trainees na magsasanay ng Pest Management NC II sa ilalim ng Food Security Program.
Naganap ang nasabing programa sa Brgy. Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao kung saan pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ang pagtalakay sa mga responsibilidad ng mga napiling Trainees.
Ang magbibigay ng kalidad na edukasyon at kasanayan sa mga benepisyaryo ay ang mga TVI ng Ebrahim Institute of Technology, Inc. at Goldtown Technological Institute, Inc. kung saan ito ay kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.