TIP para sa 50 na magsasanay matagumpay na naisagawa ng Cotabato City District Office (CCDO)

Matagumpay na sumailalim sa Training Induction program ang limampung (50) studyante ng Aviation Technical School of Cotabato noong Lunes, November 8, 2022 sa mismong paaralan nito. Magsasanay ang 25 trainees ng Electrical Installation and Maintenance NC-II habang ang 25 trainees naman ay magsasanay ng Computer System Servicing NC-II.

Sa TIP napag usapan ang mga benepisyo na makukuha ng mga magsasanay sa kanilang Scholarship Training Program. Ang TIP ay pinangunahan ni Sittie Rahima D. Puntuan, CCDO Scholarship Focal ng MBHTE-TESD.

Nagkaroon din ng open forum ang mga trainees upang mabigyan ito ng pagkakataong makapagtanong at iklaro ang mga bagay-bagay patungkol sa kanilang Training Program.Nagsimula na ang proper training ng mga magsasanay kahapon araw ng Miyerkules, November 9.

Magkakaroon ng walong oras na klase ang mga trainees mula araw ng lunes hanggang biyernes alas otso ng umaga hanggang alas singko hapon. (8:00AM-5:00PM)

#NoBangsamoroLeftBehind #FreeTVETforAll #CCDO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *