TIP sa ilalim ng Food Security Program matagumpay na isinagawa
Upang simulan ang pagsasanay ng mga napiling benepisyaryo ng MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform para sa Food Security Program ay isinagawa ang Training Induction Program sa Brgy. Pedtad, Kabacan,North Cotabato.
20 ang magsasanay ng Agricultural Crops Production NC II sa Kadayangan Academy, Inc. kung saan magkakaroon sila ng kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang MAFAR na dinaluhan ni Assistant PD Rasheed Disumimba na nagpahayag ng suporta sa implementasyon ng programa.
#mbhtemaguindanao #FoodSecurityProgram #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat