TIP sa ilalim ng PESFA matagumpay na isinagawa
Isinagawa ang Training Induction Program para sa mga Trainees na kabilang sa programa ng PESFA o Private Education Student Financial Assistance. Kung saan magkakaroon ng libre at kalidad na kasanayan ang mga kabilang dito.
Kabilang din sa implementasyon ang paggamit ng BSRS o Biometric-enabled Scholarship Registration System. Ito ang makabagong teknolohiya na sinisigurong tama ang pagpasok at paglabas ng mga Trainees sa kanilang pagsasanay.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa. Sa kabuuan 25 ang dumalo sa TIP kung saan 10 na Trainees ang magsasanay ng CSS NC II sa JCourse Design and Technology, Inc. at 15 naman ang magsasanay ng EPAS NC II sa Illana Bay Integrated Computer College.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kabilang sa nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre at kalidad na edukasyon. Patuloy ang paghatid ng walang sawang serbisyo upang mas mapalawak pa ang sakop ng pagbibigay ng kalidad na kasanayan.
#mbhtemaguindanao #TIP #PESFA #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat