Trainer’s Methodology binuksan para sa unang batch ng taon na ito
Nagsagawa ng Interview at Computer Examination sa mga Baccalaureates ang PTC Basilan Personnel noong June 7-16, 2023. Nakatala na ng 32 applicants para sa TM Qualification na sasailalim sa masusing pagtatasa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga deserving trainees. Ang mga mapipiling dalawampu’t limang aplikante ang siyang maghahasa ng kanilang kaalaman bilang mga candidates para maging trainer at assessor pagkatapos maipasa ang ibibigay na assessment process pagkatapos ng tatlumpu’t tatlong araw na pag aaral.