Training Induction Pogram (TIP), matagumpay na idinaos para sa 2nd Batch ng programang Trainers Methodology Level 1 (TM1).
Nitong araw lang, ika-sampung araw ng Nobyembre, taong dalawang libo at dalawampu’t dalawa, ang Training Induction Pogram (TIP) ay matagumpay na idinaos sa Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC). Ang nasabing TIP ay isinagawa ng Cotabato City District Office (CCDO).
Ang mga magsasanay ay inorient sa pangunguna ng kanilang CCDO Scholarship Focal na si Sittie Rahima Puntuan. Kasama rin nito ang kanilang CCDO Information Officer na si Jehann Andal at dalawa pang kawani na si Nasrudin Kusain at Esmael Mohammad. Nakatuon ang orientation sa programa ng pagsasanay, sa mga benepisyo nito, at sa kanilang mga responsibilidad bilang isang benepisyaryo.
May kabuuang dalawampung (20) iskolar sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) ang dumalo sa Training Induction Program ng Trainers Methodology Level 1 (TM1).
Ang layunin ng Training Induction Program na ito ay ipaalam sa mga iskolar ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay sa pagbibigay ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.