Training Induction Program isinagawa sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan
Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office kasama ang Basilan Skills Development Academy Inc. (BASDA) bilang implementing institute ay nagsagawa ng TIP sa ilalim ng BSPTVET Food Security Convergence Program sa dalawumpu’t limang (25) piling mga biktima ng armed conflict sa Barangay Ulitan.
Ang mga trainees ay magsasanay sa kwalipikasyong Agricultural Crops NC I sa loob ng tatlumpu’t walong (38) araw na kung saan si G. Alkhaidar S. Janatul at Gng. Emily Villar ang kanilang magiging tagapagsanay.
Naging matagumpay ang TIP sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni G. Tuting I. Adjilil katuwang ang School President na si Gng. Isniraiyam D. Escandar, Ust. Hakim Dugnu na nagbahagi ng inspirational message sa mga trainees, Scholarship Focal G. Muhmin J. Edrosolo, Processing Officer ng BASDA na si Gng. Jennifer C. Victa at iba pang tauhan ng ahensya.