Training Induction Program o TIP isinagawa para sa labing anim (16) na Persons Deprived of Liberty

Isinagawa ang TIP para sa 16 PDL, at sasailalim sa limang araw na skills training patungkol sa Pastry Making. Ito ay pinangunahan nina MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Scholarship Focal Nashmer A. Bantuas at Events Management Focal Alnisah A. Abdulatip.

Ang skills training na ito ay COC lamang o Certificate of Completion, at pwede sila magpatuloy ng Bread and Pastry Production NC II kung sila ay papalaring makakuha ng scholarship. Ang mga PDL ay isa sa mga special clients ng TESDA Central Office at ang pagbibigay serbisyo at kalidad na skills training sa kanila ay isa sa mga pangunahing programa ng ahensya.

Ginanap ang TIP noong December 13, 2022 sa Provincial Jail, Brgy. Tampilong, Marawi City.

#GanapSaPCMDC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *