Training Induction Program para sa Bread and Pastry Production(BPP NC II) isinagawa
25 trainees ang sumailalim sa Training Induction Program nitong February 3,2023 na ginanap sa Sapah Bulak, Sumisip, Basilan.
Ang mga trainees ay sasailalim sa 18 days training para sa Bread and Pastry Production sa ilalim ng programang Food Security Convergence. Sila ay mga miyembro ng Sapah Bulak Women’s Cooperative. Dinaluhan ng Joint Peace Security Team (JPST) ang programa sa pamumuno ng kanilang Commanding Officer na si PSSG Sonny Kalinggalan at mga miyembro ng PTC Basilan.