Training Induction Program para sa dalawampu’t limang (25) out-of-school youth, isinagawa.
Naging matagumpay ang isinagawang TIP para sa dalawampu’t limang OSY na napili ng World Vision na maging trainees. Sila ay nagmula pa sa mga malalayong barangay ng Marawi City. Ang mga OSY ay magsasanay ng Tile Setting.
Pinag usapan sa TIP ang mga panuntunan ng training, training days, mandatory assessment, allowance, at ang mahalagang papel ng mga beneficiaries. Sa nasabi ding TIP binanggit din ni Ms. Cecile Cenas, empleyado ng World Vision, na lahat ng gastos at kakailanganin sa training ay kanilang sasagutin kasama na ang allowance ng mga beneficiaries at consumables na gagamitin. Program implementation lamang ang magiging papel ng MBHTE-TESD PCMDC.
Ang World Vision at MBHTE-TESD Lanao Del Sur ay lumagda ng Memorandum of Agreement noong nakaraang taon na kung saan nakasaad sa MOA na mga out-of-school youth ang target na beneficiaries.
Dumalo sa TIP ang 25 na beneficiaries, ang kanilang magiging Trainer na si Basher Bagonte, at si MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar. Ginanap ang TIP noong August 18, 2022 sa tanggapan ng PCMDC.
#GanapSaPCMDC #TIP #WorldVision #NoBangsamoroLeftBehind #TESDAAbotLahat